Heto na Ako Ngayon, Malaya Na

Heto na Ako Ngayon, Malaya Na

Isinulat ni Bhe noong 12 July 2016


Bhe

May 2016, ito ang ika-19 buwan ko bilang MDR-TB patient. Ito rin yung pinakahihintay ko na araw kung anung magiging resulta ng aking paggagamot, kung ako ay lubusang gumaling sa aking karamdaman. Sobrang inip na inip na ako at sawang-sawa na sa mga gamot araw –araw pero kailangan kong gumaling upang bumalik sa bagong buhay ko. Marami akong gustong gawin at gusto kung makasama ng wlang agam-agam o pangamba sa aking anak at maalagaan siya ng lubusan. Lahat ng mga ito kinaya ko malagpasan.

May 13, 2016, ito ang araw na pinakahihintay ko. Ang huling araw ko ng pag-inom ng gamot. Sobrang saya. I’m free, #goodbye MDRTB. Parang saglit lang isipin na sa loob ng 19 buwang gamutan ko, heto na ako ngayon, malaya na. Marami akong natutunan, naging kaibigan at naging pamilya dito na mami-miss ko.

Sa naging karamay ko sa hirap ng pag-inom ng gamot, at sa mga tulad ko na may sakit, napagkasunduan amin ng mga ka-grupo ko na sumali kami sa organisasyon ng SLB o Samahan Lusog Baga para makatulong kami sa pagsugpo ng TB at makahikayat na huwag ikahiya na magpagamot. Sa ngayon masaya ako sa mga aktibidad na dinadaluhan ko sa SLB. Marami akong natutunan at dagdag kaalaman na rin. At sa wakas nakapiling ko na rin ang anak ko at naaalagaan na rin ng walang pangamba.


Comments (1)

  1. Bhe

    andy robles:
    Sep 11, 2017 at 05:23 AM

    ma'am nka dalawang gamutan narin po ako, ngayon po marramdaman ko nnaman mga simtomas ng sakit ko at mas malala pa, madalas po ako hindi makahing, ako lang po ang inaasahan nga mga magulang ko at akorin po nag ppaaral sa pamangkin ko, kahit po ganto parin karamdaman ko hindi po ako pdi huminto sa trabaho, kasi wla npo ako makkuhang trabaho grade 3 lang po ang natapos ko. tanong ko po sana kung libre parin gamutan pag pangatlong gamutan na? icconfin po ba paano po mga pagkain duon ?? salamat po sa sasagot

    Reply



Add New Comment: