TALENTO MO, HUWAG MONG IKAHIYA!!!

TALENTO MO, HUWAG MONG IKAHIYA!!!

Isinulat ni Lhady Pink noong 28 February 2016


Ako ay naging masaya dahil hindi ko hindi ko inaakala na ako ay makakaabot sa limang buwan ng gamutan sa aming Treatment Center. Gusto kong gumaling at tapusin ang nasimulan kong pag-inom." At saka naisip ko din na gusto kong ipakita sa kapwa ko pasyente ang aking talento. Noong ako ay naging negative na, ipinagpatuloy ko ang paglikingkod sa mass sa pamamagitan ng akin pagkanta na huwag dapat ikahiya. Unang General Assembly ko na kumanta sa mass at naibahagi ang aking talento sa pagkanta. Hindi lang pala paggamot ang gagawin mo kundi maibabahagi mo din pala ang iyong talento sa kapwa mo pasyente.

Lhady Pink

TALENTO MO!!!
Ang iyong talento ay galing sa Diyos
Kaya huwag nang mahiya na ipakita ito.
Ibahagi ito sa kapwa mo
Kaya tara na't kapwa ko pasyente
Ipakita na natin ito.
Simulan na natin ang pagbabago.
Pagbabago sa sarili mo ang nais ng Diyos.
Kaya huwag ng malungkot na ikahiya ito.
Dahil ang talento mo ang ginhawa mo.

Napagawa tuloy ako ng rap. Sa susunod bubuo na ako ng kanta
para sa kapwa ko pasyente at sa makakabasa nito.


Tags:

Comments (0)



Add New Comment: